Mahigit dalwang taon na ang lumipas simula ng ako ay pumasok sa kasalukuyan kong eskwelahan. Ito ay noong taong 2009, ikalawang semestre. Sa aking pagkakatanda, sa taong din iyon dumaan sa napakaraming pagsubok ang buong bansa. Una na dito ang bagyong Ondoy na sumira sa libo-libong istruktura, negosyo, kabahayan, buhay at pangarap ng mga nakakarami. Kasunod ng dagok na iyon ay ang Maguindanao masaker na kung saan 58 ang kumpirmadong patay na at nabubulok na. Hindi ko makakalimutan ang mga pangyayaring yan sa taong natalakay ko. Pero wala itong kinalaman sa mga naging karanasan ko sa pagpasok ko sa Bulacan State University. Paano ko ba sisimulan? Sisimulan ko ba kung paanong hirap ang naranasan ko para lang makapasok? Hehe!
Sisimulan ko ang aking pagsasalaysay sa unang araw ng aking pagpasok. Napakainit. Para akong pumasok sa malalawak na disyerto ng Arabya. Napakaraming tao. Punong-puno ng mga estudyante. Ni wala pa akong kakilala noon. Bagong pasok lang kasi ako sa eskwelahang ito. Tawag ng mga sosyal sa mga ganung estudyanye ay "Neophyte." Sa hindi ka-sosyalan ay "transferee!" Hehehehe! At ang malala ni hindi ko alam ang mga silid kung saan ako papasok dahil hindi ko pa gaanong gamay at kabisado ang naturang lugar. Karamihan sa mga binigay na "subjects" sa akin ay nasa mga mababang antas. Tulad ng Algebra, Differential Calculus at iba na puro mga matematika. Naging madali lang sa akin ang mga "subjects" na binigay sa akin. Para lang kasi akong nagbabalik-tanaw sa mga kung ano ang natutuhan ko noong ako ay nasa dati kong eskwelahan pa. At hindi nga ako nagkamali, naging matataas ang mga grado ko. Bago ko makalimutan, "BSCE" ang "course" ko. Natural lang naman na ito ay tadtad ng matematika. Kaya ko naman kinuha ang mga ganung "subjects", ay dahil sa kulang ito bilang ng mga "unit", upang ito ay "ma-credit."
Bumilang pa ang mga taon, at ako ay nasa ikalimang antas na ng pag-aaral sa napili kong karera. Parang kailan lang ng ako ay lumipat. Malapit na ang "graduation" o yung nakatakdang panahon ng pagtatapos ng mga mag-aaral. At iyon ay sa huling araw ng buwan ng Marso. Sa malas, ay sa huling araw ng buwan ng Hulyo sa pagpapala ng Panginoon ako makakapagmartsa at makapagsusuot ng pinapangarap kong togang itim. Hehehe. Hindi pa kasi tapos ang laban ko para muling mapabuksan sa pamamagitang ng "tutorial class" ang "subject" na "COMP 212/211L." Pero alam kong sa pamamagitang ng matibay n paniniwala at pananampalataya sa Panginoon, alam kong maibibigay NIYA ang aking ninanais.
Hindi ko pa pala nasalaysay kung sino ang mga nakakasalamuha ko sa eskwelahang ito sa nakalipas n dalawang taon.Sa totoo lang, hindi ako gaanong nagkaroon ng masasabi kong mga barkada dito sa eskwelahang ito. Siguro ay dahil hinahanap ko ang mga naging kabarkada ko sa dati kong eskwelahan sa katauhan ng mga taong nakakasalamuha ko.At isa pa, mas pinagtuunan ko ng pansin ang pag-aaral ko sa pagnanais na makamtan ko ang aking diploma sa itinakdang panahon ng pagtatapos. Marami na akong naging mga kaklase sa ibat-ibang "section" na napuntahan ko. Halos lahat ng mga estudyante sa bawat "section" na pinupuntahan ko ay madali kong nakakapalagayan ko agad ng loob. Pagdating sa mga "groupings" ay hindi ako kailan man nahihirapan dahil agad-agad kinukuha nila ako para maging mga kasapi sa naturang grupo. Maliban lamang sa isang "section" na ito kung saan ako ay kabilang sa kasalukuyan. Ito ay ang "BSCE-5A." Kakaiba kasi ang mga estudyante doon. Kakaiba rin ang kanilang mga pag-uugali. Halos lahat sa kanila hindi ko nakapalagayang loob. Parang mga plastik at my kanya-kanyang mundo. At kapag nakikisalamuha ang ilan sa kanila sa akin, hindi ko makita at mawari ang kanilang sinseridad at pagiging totoo sa iba lalo na sa mga bagong pasok. Pero hindi ito gaanong nakaapekto sa aking pag-aaral. Naniniwala kasi ako na panandalian ko lang naman sila makakasama. Sa mga naging guro ko, ay wala naman ako naging problema ni alalahanin dahil lahat sila ay madaling lapitan maliban lamang sa naging guro ko sa "Civil Engineering Department." Mahirap silang lapitan palibhasa nanggaling sila sa matataas na posisyon.
Sa pangkalahatan, masasabi ko na hindi ako nagsisisi sa naging paglipat ko dito. "Proud", pa nga ako dahil kinikilala ang eskwelahang ito ng mga kumpanyang mauunlad na dito sa bansa. Kamakailan lang ay nakilala ang BSU dahil sa apat na nakalahok o napabilang sa "Board Topnotchers" noong nakaraang "Civil Engineering Board Exam" noong buwan ng Nobyembre. "Proud" din ako dahil sa mga nagkakalakihang bagong gusali at istruktura na naitayo sa paaralan ito.
Ang pinakamagandang napatunayan ko sa paaralang ito ay maganda pala ang buong BSU lalong lalo na kung gabi.
Pag patuloy niyo lang po ang laban
TumugonBurahin